Live Without Fear (PH)Halimbawa
Celebrate the Small Wins
Madalas yung mga bagay na kinatatakutan natin ay ang mga inaakala natin masyado malaki para pagtagumpayan natin. Tulad nalang sa pag-bahagi ng salita ng Diyos at pag lapit ng tao kay Hesus, parang ang hirap gawin, no? Siguro nag-aalala ka sa sasabihin ng tao kapag sinimulan mo silang kausapin tungkol sa Diyos. O siguro nakapag-share ka pero duda ka kung makakahanap ba sila ng komunidad na tutulong magpalago ng naitanim mong salita ng Diyos.
Alam ng bawat manlalakbay na upang makarating ka sa paroroonan ay kinakailangan mong hakbangin ang bawat daraanan. Gaano man kaliit ‘yan, gaano man kabagal ang progreso ay umuusad parin—sa ganoong paraan mo naman din kasi mapagtatagumpayan ang bawat laban sa buhay.
Paisa-isang hakbang lang ang kailangan mo para unti unting makausad at maipakilala sa isang kaibigan si Hesus. Isa-isang hakbang pasulong upang maitulak palayo at mapagtagumpayan ang takot na nararamdaman mo. Sa pagtagal tagal, habang mas nalalapit at nabubuo ang relasyon mo sa Panginoon, namumulat ang mata mo sa pagkilos Niya sa iyong buhay, at ang alingawngaw ng takot ay nagmimistulang bulong na lamang sa hangin.
Ano pang hinihintay mo? Ipag-bunyi mo na ang mga munting pagkakataong may napag-tatagumpayan ka!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/