Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Katotohanan ng Diyos Sa Mga Bagyo ng BuhayHalimbawa

Finding God's Truth In The Storms Of Life

ARAW 2 NG 10

Ang Labanan ng Emosyon

Naramdaman mo na ba na parang nadurog ang iyong espiritu? Minsan maayos ang takbo ng lahat, at kapag ito'y nagkawatak-watak, madaling maramdaman na parang walang saysay na subukang ayusin ang iyong buhay. Ang kalungkutan, galit, kawalan ng pag-asa, at takot ay tunay na mga emosyon na kahit na ang pinakamalakas na Cristiano ay nararanasan sa panahon ng problema. Tingnan na lamang si David o ilan pang bayani ng pananampalataya.

Kadalasan maaari tayong matakot na kilalanin ang mga emosyong tulad nito. Ngunit mahalagang harapin ang lahat ng ating mga emosyon--lalo na ang mga negatibo--kapag dumaranas tayo ng mga pagsubok. Kapag tinitingnan natin ang ating galit at kalungkutan sa liwanag ng katotohanan ng Diyos, makakatagpo tayo ng kaaliwan sa halip na mamuhay sa pagtanggi.

Kapag tayo ay malungkot, makakatagpo tayo ng kagalakan sa katotohanan na ang Diyos ay malapit sa mga bagbag na puso (Mga Awit 34:18). Kapag tayo ay nagagalit, makakatagpo tayo ng kapayapaan sa pangako na ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos ay hindi matitinag, kahit na sa ating galit (Isaias 54:10). Kapag ang kawalan ng pag-asa ay tila nanalo, maaari nating ihagis ang ating mga alalahanin sa Panginoon dahil hindi Niya tayo hahayaang mahulog (Mga Awit 55:22). At kapag natutukso tayong sumuko sa takot, maaari tayong maging malakas dahil ang Diyos ang ating kanlungan at alam nating hinding-hindi Niya tayo bibiguin (Mga Awit 18:2).

Ang Diyos ay nagbigay sa atin ng napakaraming pangako sa Banal na Kasulatan, ngunit isa na paulit-ulit Niyang inaalok ay kaaliwan. Nauunawaan Niya ang ating pakikipaglaban sa ating sariling mga damdamin, at nahahabag Siya sa atin.

Nais ng Diyos na isuko natin ang ating mga pasanin sa Kanya at manalig sa Kanya nang may pananampalataya kapag ang ating mga emosyon ay hindi natin kayang hawakan nang mag-isa.

Kapag durog na ang ating espiritu, tinitiyak ng Diyos na sapat pa rin Siya.

Kaya sa susunod na matukso kang tanggihan ang iyong mga emosyon o subukang pangasiwaan ang mga ito nang mag-isa, isuko ang mga ito sa Diyos. Bibigyan ka Niya ng pag-asa na higit pa sa anumang emosyonal na pakikibaka na kinakaharap mo.

Panalangin: Mahal na Diyos, salamat sa katiyakang ibinigay Mo sa amin sa Banal na Kasulatan ng Iyong pag-ibig sa amin. Alam kong lagi Kang mas malakas kaysa sa anumang problemang kinakaharap ko. Tulungan Mo akong isuko ang aking emosyonal na mga laban sa Iyo. Salamat sa kaaliwan na ibinibigay Mo kapag kailangan ko ito. Amen.

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Finding God's Truth In The Storms Of Life

Bilang mga Cristiano, hindi tayo ligtas sa mga kaguluhan sa mundong ito. At sa totoo lang, sinasabi sa Juan 16:33 na darating sila. Kung ikaw ay nahaharap sa mga unos ng buhay ngayon, ang debosyonal na ito ay para sa iyo. Ito ay isang paalala ng pag-asa na magdadala sa atin sa mga unos ng buhay. At kung wala kang anumang paghihirap sa sandaling ito, bibigyan ka nito ng pundasyon na tutulong sa iyo sa mga pagsubok sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang Power House Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.worldhelp.net