Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paghahanap ng Katotohanan ng Diyos Sa Mga Bagyo ng BuhayHalimbawa

Finding God's Truth In The Storms Of Life

ARAW 7 NG 10

Mga Aral na Natutunan

Sa kanyang aklat na, Walking with God through Pain and Suffering, sinabi ni Tim Keller, "Hindi mo alam na si Jesus lang ang kailangan mo hanggang si Jesus na lang ang mayroon ka."

Sa World Help, nakita natin ang katotohanang ito na napatunayan nang maraming beses habang naglilingkod sa mga tao sa buong mundo. Nang makita ng mga tagapangasiwa ng isang tahanan ng mga bata sa Nepal na gumuho ang kanilang ministeryo dahil sa lindol, ginawa nila ang tanging magagawa nila--bumaling sila kay Jesus. Nang ang isang balo sa Rwanda ay nahirapang mabigyan ng pagkain ang kanyang mga anak, ang una niyang naisip na gawin ay manalangin. Nakarinig na tayo ng mga kuwento ng mga taong nangunyapit sa Diyos dahil sa mga pagsubok.

Ang pagdurusa ay nagpapakita sa atin ng kahalagahan ng ating pananampalataya. Inilalagay tayo nito sa isang lugar kung saan hindi tayo maaaring umasa sa ating sarili. Sa 2 Mga Taga - Corinto 4, pinapaalalahanan tayo na kapag nabigo ang mga bagay na karaniwan nating pinagkakatiwalaan, lumalakas ang ating espiritu. Mas nagiging malapit tayo sa pinagmumulan ng tunay na lakas, at natututo tayong ituon ang ating mga mata sa Kanya.

Mahalaga, kung gayon, na kapag dumaan tayo sa mga pagsubok at pagdurusa, pinanghahawakan natin ang mga aral na natutunan natin.

Ang tanging paraan na maaari nating sayangin ang ating naranasang sakit ay sa pamamagitan ng paglimot dito at pag-iwan sa mga mahahalagang kaunawaan na nakuha natin sa pamamagitan ng pagtitiis dito.

Kung kinakailangan, lumikha ng pisikal na monumento sa iyong buhay para sa katapatan ng Diyos sa panahon ng iyong mga pagsubok. Maraming mga rebulto, aklat, at kanta ang nilikha para sa layuning ito. Ngunit hindi kailangang maging kahanga-hanga ang iyong monumento. Gumamit ang mga Israelita ng mga salansan ng mga bato para alalahanin ang mga probisyon ng Diyos at para paalalahanan ang kanilang mga anak. Anuman ang magpapaalala sa iyo ay perpekto.

Nakakatiyak tayong si Jesus lang ang kailangan natin. Kapag ang mundo sa paligid natin ay tila magulo at hindi mapagkakatiwalaan, mayroon tayong matatag na pag-asa. Magsaya tayo ngayon!

Panalangin: Mahal na Diyos, alam ko na ang aking mga pagdurusa ay naglalapit sa akin sa Iyo. Tulungan Mo akong matuto at lumago sa aking pananampalataya kapag nahaharap ako sa mga pagsubok sa buhay na ito. At tulungan akong maalala ang mga aral na iyon kahit na bumuti ang aking kalagayan. Salamat sa Iyong pagtitiyaga sa akin habang patuloy Mo akong hinuhubog ayon sa taong gusto Mong maging ako. Amen.

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Finding God's Truth In The Storms Of Life

Bilang mga Cristiano, hindi tayo ligtas sa mga kaguluhan sa mundong ito. At sa totoo lang, sinasabi sa Juan 16:33 na darating sila. Kung ikaw ay nahaharap sa mga unos ng buhay ngayon, ang debosyonal na ito ay para sa iyo. Ito ay isang paalala ng pag-asa na magdadala sa atin sa mga unos ng buhay. At kung wala kang anumang paghihirap sa sandaling ito, bibigyan ka nito ng pundasyon na tutulong sa iyo sa mga pagsubok sa hinaharap.

More

Nais naming pasalamatan ang Power House Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.worldhelp.net