Alisin ang TakotHalimbawa
Nasubukan mo na bang sumakay sa isang eroplano sa gitna ng matinding pag-alog nito? Tila ang eroplano ay wala sa kontrol nang saglit, at marahil ikaw ay medyo kinabahan. Kung nakakabit na ang iyong seatbelt, siguro ay hinigpitan mo pa ito lalo. Siguro ay napahawak ka sa patungan ng braso nang mas mahigpit. Siguro ay hindi ka napakali saglit dahil panandalian kang nakalutang sa hangin.Siguro ay paulit-ulit mong binasa ang isang linya sa iyong libro dahil ikaw ay nawalan ng katatagan dahil sa pag-alog.
Ngunit marahil pagkatapos ay gumawa ang kapitan ng anunsyo: “Nagkaroon tayo ng pag-alog kaya babaguhin natin ang ating taas at susubukang maghanap ng mas maayos na hangin.” Ngayon, hindi nawala ang iyong problema. Naroon pa rin ang pg-alog. Pero marahil ay huminga ka nang malalim, nagpahinga, bumalik sa pagbabasa, at mas nakadama ng kagaanan dahil hindi ka na nakatuon sa pag-alog at sa halip ay itinuon ang iyong pansin sa anunsyo ng piloto.
Kapag inaalis mo ang iyong pagtuon mula sa kinatatakutan mo at itinutuon ang iyong pansin sa Diyos—ang nagpapatakbo ng ating buhay nang may kasiguruhan—mararamdaman mong humuhupa ang iyong takot.
Maawaing Panginoon, sa tuwing ako ay natatakot, gusto kong ilagay ang aking tiwala sa Iyo. Pakiusap, maaari Mo bang ibigay sa akin lahat ng aking mga kailangan—ang kaisipan, katotohanan, at pampatibay-loob—para gawin ito? Hindi ka isang Diyos ng pagkalito, sa halip Ikaw ay Diyos ng kapayapaan. Sa tuwing hindi ako nakakaramdam ng kapayapaan, inilalayo ko ang aking sarili sa Iyong presensya. Bigyan Mo ako ng lakas upang ako'y manatili sa Iyo, at ang Iyong mga salita ay manatili sa akin, at maranasan ko nang buo ang Iyong kapayapaan. Sa ngalan ni Cristo. Amen.
Nasiyahan ka ba sa araw-araw na babasahin at panalanging ito? Gusto ka naming bigyan ng pampalakas-loob sa pamamagitan ng tatlong mga mp3 sermon download ni Tony Evans sa link na ito, na mas lalong tinatalakay ang pinag-usapan ngayon. Bumisita sa link dito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Makakaya mong lampasan ang mga pakiramdam ng takot. Gagabayan ka ni Dr. Tony Evans sa landas patungong kalayaan sa gabay na itong puno ng kaalaman. Tuklasin ang buhay ng kaligayahan at kapayapaan na hinahangad mo sa iyong paggamit ng mga prinsipyo na ipapakita sa gabay na ito.
More