Alisin ang TakotHalimbawa
Handa ka na bang matutunan kung paano gibain ang kuta ng takot na ginawa ng kalaban sa iyong puso at isipan? Ibinigay ni Jesus sa iyo ang sagot. Magigiba mo ito sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong mga prayoridad. Ito mismo ang Kanyang sinasabi sa Mateo 6:33 nang sinabi Niyang, “Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”
Sa madaling salita, kung gagamitin mo ang iyong oras at enerhiya upang ihanay ang iyong sarili sa kung anong ginagawa ng Diyos para isulong ang Kanyang kaharian dito sa mundo, ipinapangako Niyang Siya ay lagi mong kasama sa mga bagay sa buhay na maaaring magdulot sa iyo ng takot o pag-aalala. Binigyang-diin ito ni Jesus nang sinabi Niyang, “Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw” (bersikulo 34).
Binibigyan ka ng Diyos ng biyaya sa bawat araw. Hindi Niya ibibigay sa iyo ngayon ang biyaya na para bukas pa, at hindi mo ito kakailanganin. Bakit? Dahil sabi ng Kanyang Salita na, “Pag-ibig mo, Yahweh, ay hindi nagmamaliw; kahabagan mo'y walang kapantay. Ito ay laging sariwa bawat umaga; katapatan mo'y napakadakila.” (Mga Panaghoy 3:22–23). Kaya kung natatakot at nababahala ka sa mangyayari bukas, parang sinasabi mo na rin sa Diyos na hindi ka nagtitiwala sa Kanya. Sinasabi mo sa Kanya na hindi Siya mapagkakatiwalaan. At ipanapadaan mo ang sarili mong isipan sa isang siklo ng sakit at takot na lalo lang magpapatagal sa nakakasanayang gawi sa halip na lampasan ito. Ang pagiging matatakutin sa kinabukasan ay ang pagkawala ng kapayapaan at tagumpay ngayon. Bitawan mo ito.
Maawaing Panginoon, tulungan Mo akong mapansin ang takot sa tuwing gumagapang ito sa aking isipan. Tulungan Mo akong ihinto ang mga kaisipang ito bago ito dumami at lumago. Bigyan Mo ako ng karunungan upang mabatid kung ano ang makatwiran at kung ano ang hindi, at sa lahat ng bagay bigyan Mo ako ng kakayahang magtiwala na kasama Mo ako.Gusto kong ipagkatiwala ang aking mga kinatatakutan sa Iyo, kaya nakikiusap ako na bigyan Mo ako ng biyayang gawin ang lahat ng ito ngayon at araw-araw. Sa ngalan ni Cristo. Amen.
Nagustuhan mo ba ang araw-araw na basahin at panalanging ito? Gusto ka naming bigyan ng pampalakas-loob sa pamamagitan ng tatlong mga mp3 sermon download ni Tony Evans sa link na ito, na mas lalong tinatalakay ang pinag-usapan ngayon. Bumisita sa link na ito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Makakaya mong lampasan ang mga pakiramdam ng takot. Gagabayan ka ni Dr. Tony Evans sa landas patungong kalayaan sa gabay na itong puno ng kaalaman. Tuklasin ang buhay ng kaligayahan at kapayapaan na hinahangad mo sa iyong paggamit ng mga prinsipyo na ipapakita sa gabay na ito.
More