Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Sa Lahat ng BagayHalimbawa

In All Things

ARAW 3 NG 5

Bahagi ng Pamilya

Sa kanyang pasimula sa aklat ng Mga taga-Filipos, nagpakilala si Pablo bilang isang lingkodni Cristo Jesus at sumulat siya sa mga banal kay Cristo Jesus. Ang mga salitang pinili niya dito ay mahalaga sa magkaparehong pagkakataon. Sa kabuuan ng Lumang Tipan, ang mga pinuno ng mga Israelita ay nabigyan ng kaibahan sa pagtawag sa kanila bilangmga lingkod ng Diyos. 

Nang ipinakilala ni Pablo ang kanyang sarili, gumawa siya ng maliit na pagbabago. Hindi tinawag ni Pablo ang kanyang sarili bilang lingkod ng Diyos o lingkod ng Panginoon. Sinabi niya na siya ay lingkod ni Jesu-Cristo. Ang salitang ito ay mayroong mahalagang pakahulugan: itinumbas niya si Jesus sa Diyos. 

Habang ito ay maaaring lumang balita na para sa iyo at sa akin, ito ay mahalaga mula sa kasaysayang pananaw na si Pablo ay naniwala na si Jesus at ang Diyos ay magkapareho. Ang kaunawaan na si Jesus ay Diyos ay hindi lamang alamat na kumalat daang taon makalipas ang Kanyang kamatayan, noong nakalimutan na nila ang totoong tao. Ang mga sumunod sa Kanya at nakilala Siya nang personal ay naniwala na si Jesus ay ganap na Diyos at ganap na tao. 

Mahalaga ring malaman na tinawag ni Pablo ang mga taga-Filipos bilang mga banal. Sa katunayan, ito ang salitang palagi niyang ginagamit sa kanyang mga sulat kapag tinutukoy ang kapwa mananampalataya. (Kailanman ay hindi sumulat si Pablo sa mga “makasalanan sa Roma ” o saan mang lugar para sa bagay na iyon.) 

Kapag tayo ay naging bahagi na ng pamilya ng Diyos, tayo ay itinuturing nang banal, hindi makasalanan. Ang pagiging banal ay hindi nangangahulugang tayo ay perpekto. Ito ay kung sino tayo kapa tayo ay naniwala. Ang ating pagkakakilanlan ay hindi nangangahulugang tayo ay malaya na mula sa pakikipaglaban sa kasalanan. Tayo ay makakagawa ng kasalanan sa ating mga buhay. Subalit, mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng pagiging banal na nakikipaglaban sa kasalanan at pagiging makasalanan na sumusubok maging banal. 

Mahikayat ka ngayon: ikaw ay ang banal na pinakamamahal ng Diyos! Maaaring hindi mo ramdam, ngunit ang iyong pagkakakilanlan ay hindi nagbabago, nakaugat sa hangarin ng Diyos sa iyo. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, tayo ay pinagtibay ng Diyos at tayo ay bahagi ng Kanyang pamilya. 

Gumugol ng ilang sandali sa panalangin, hilingin sa Diyos na baguhin at sariwain ang iyong puso ng Kanyang mabuting balita. Madaling panghinaan ng loob dala ng mga pagkakamali at pagkabigo. Tunay na dapat tayong magdalamhati at magsisi sa ating mga kasalanan. Ngunit dapat rin tayong magdiwang sa ating bagong pagkatao. Lumapit sa Panginoon ngayon, malaya, naghihintay, may katapangan, at puno ng pag-asa. Nakikita ka Niya bilang Kanyang anak, at maaari mong dalhin ang lahat ng iyong pag-asa, mga takot, at pagkabigo sa Kanya. 

Bakit ang ating pagkakakilanlan sa Diyos isang bagay na dapat ipagdiwang?

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

In All Things

Ang liham na isinulat ni Pablo sa iglesia sa Filipos ay naisalinlahi sa mga henerasyon upang palusugin at hamunin ang ating mga puso at isipan sa ngayon. Ang limang-araw na gabay na ito ay magbibigay sa iyo ng karanasan sa Aklat ng mga taga-Filipos, maraming siglo na mula pa nang binigyang-kapangyarihan ito ng Diyos sa pamamagitan ni Pablo. Nawa ay punuin ka ng Diyos ng mga himala at pag-asa habang binabasa mo ang liham na ito ng kagalakan! Sapagkat hindi lamang ito basta salita ni Pablo sa lumang iglesia—Ito ay salita ng Diyos sa iyo.

More

Nais namin pasalamatang ang WaterBrook Multnomah para sa pagkakaloob ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://waterbrookmultnomah.com/books/561570/in-all-things-by-melissa-b-kruger/