Mga Awit 3:1-8
Mga Awit 3:1-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban! Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin. Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot. Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako! Parusahang lahat, mga kaaway ko, kapangyarihan nila'y iyong igupo. Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)
Mga Awit 3:1-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, kay dami kong kaaway; kay daming kumakalaban sa akin! Sinasabi nilang hindi nʼyo raw ako ililigtas. Ngunit kayo ang aking kalasag. Pinalalakas nʼyo ako at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. Tumawag ako sa inyo PANGINOON at sinagot nʼyo ako mula sa inyong banal na bundok. At dahil iniingatan nʼyo ako, nakakatulog ako at nagigising pa. Hindi ako matatakot kahit ilang libo pang kaaway ang nakapalibot sa akin. Pumarito kayo, PANGINOON! Iligtas nʼyo po ako, Dios ko, dahil noon ay inilagay nʼyo sa kahihiyan ang lahat ng mga kaaway ko, at inalis mo sa mga masamang tao ang kanilang kakayahang saktan ako. Kayo, PANGINOON, ang nagliligtas. Kayo rin po ang nagpapala sa inyong mga mamamayan.
Mga Awit 3:1-8 Ang Biblia (TLAB)
Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Mga Awit 3:1-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban! Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan. Tumatawag ako kay Yahweh at humihingi ng tulong, sinasagot niya ako mula sa banal na bundok. (Selah) Ako'y nakakatulog at nagigising, buong gabi'y si Yahweh ang tumitingin. Sa maraming kalaba'y di ako matatakot, magsipag-abang man sila sa aking palibot. Yahweh na aking Diyos, iligtas mo ako! Parusahang lahat, mga kaaway ko, kapangyarihan nila'y iyong igupo. Si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay; pagpalain mo nawa ang iyong bayan! (Selah)
Mga Awit 3:1-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: Aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, At sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)