Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 3:1-8

Mga Awit 3:1-8 TLAB

Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)