Panginoon, ano't ang aking mga kaaway ay nagsisidami! Marami sila na nagsisibangon laban sa akin. Marami ang nagsasabi sa aking kaluluwa: Walang tulong sa kaniya ang Dios. (Selah) Nguni't ikaw, Oh Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko: Aking kaluwalhatian; at siyang tagapagtaas ng aking ulo. Ako'y dumadaing ng aking tinig sa Panginoon, At sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na bundok. (Selah) Ako'y nahiga, at natulog; Ako'y nagising; sapagka't inaalalayan ako ng Panginoon. Ako'y hindi matatakot sa sangpung libo ng bayan, Na nagsihanda laban sa akin sa buong palibot. Bumangon ka, Oh Panginoon; iligtas mo ako, Oh aking Dios: Sapagka't iyong sinampal ang lahat ng aking mga kaaway; Iyong binungal ang mga ngipin ng masasama. Pagliligtas ay ukol sa Panginoon: Sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)
Basahin MGA AWIT 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 3:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas