Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 19:8-23

Mga Kawikaan 19:8-23 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang; gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw. Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan. Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman. Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa. Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay. Ang taong tamad ay laging nakatihaya; kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura. Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay, at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay. Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad. Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo. Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo. Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig. Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

Mga Kawikaan 19:8-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

Ang taong nagsisikap na magkaroon ng karunungan ay nagmamahal sa sarili, at ang nagpapahalaga sa pang-unawa ay uunlad. Ang hindi tapat na saksi ay parurusahan, at ang sinumang nagsisinungaling ay mapapahamak. Hindi bagay sa taong mangmang ang mamuhay sa karangyaan, at mas lalong hindi bagay sa isang alipin ang mamuno sa mga pinuno. Kung ikaw ay mahinahon, nagpapakita lang na marunong ka. At kung pinapatawad mo ang nagkasala sa iyo, makapagdudulot ito ng karangalan sa iyo. Ang galit ng hari ay parang atungal ng leon, ngunit ang kanyang kabutihan ay tulad ng hamog na bumabasa sa mga halaman. Ang anak na hangal ay nagdudulot ng kapahamakan sa kanyang ama. Ang bungangerang asawa ay nakakainis tulad ng tulo sa bubungan. Bahay at kayamanan sa magulang ay namamana, ngunit ang PANGINOON lang ang nagbibigay ng matalinong asawa. Kung ikaw ay tamad at tulog lang nang tulog, magugutom ka. Mabubuhay nang matagal ang taong sumusunod sa utos ng Dios, ngunit ang hindi sumusunod ay mamamatay. Kapag tumutulong ka sa mahirap, para kang nagpapautang sa PANGINOON, dahil ang PANGINOON ang magbabayad sa iyo. Ituwid mo ang iyong anak habang may panahon pa. Kung hindi mo siya itutuwid, ikaw na rin ang nagpahamak sa kanya. Hayaan mong maparusahan ang taong magagalitin, dahil kapag tinulungan mo siya, uulit-ulitin lang niya ang kanyang ginagawa. Dinggin mo at sundin ang mga payo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali, at sa bandang huli ay magiging marunong ka. Marami tayong mga pinaplano, ngunit ang kalooban pa rin ng PANGINOON ang masusunod. Ang gusto natin sa isang tao ay matapat. Mas mabuti pang maging mahirap kaysa maging sinungaling. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay magdudulot ng mahabang buhay, kasapatan, at kaligtasan sa kapahamakan.

Mga Kawikaan 19:8-23 Ang Biblia (TLAB)

Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; at ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang. Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo. Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: at ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo. Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon. Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; at ang tamad na kaluluwa ay magugutom. Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay. Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, at ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; at huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak. Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli. Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas. May maraming katha sa puso ng tao; nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo. Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: at ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling. Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; at ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: hindi siya dadalawin ng kasamaan.

Mga Kawikaan 19:8-23 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ang nagsisikap matuto, sa sarili ay nagmamahal, ang nagpapahalaga sa karunungan ay magtatagumpay. Ang bulaang saksi ay tiyak na mapaparusahan, at ang sinungaling ay wala ring tatakbuhan. Ang masaganang pamumuhay ay di angkop sa isang mangmang; gayon din ang alipin, di dapat mamuno sa mga dugong bughaw. Ang kahinahunan ay nagpapakilala ng katalinuhan, ang pagpapatawad sa masamang ginawa sa kanya ay kanyang karangalan. Ang poot ng hari ay parang leong umuungal, ngunit ang kanyang paglingap ay parang hamog sa halaman. Ang anak na hangal ay kasawiang-palad ng kanyang ama, at tila ulang walang tigil ang bibig ng madaldal na asawa. Namamana sa magulang ang bahay at kayamanan, ngunit si Yahweh lang ang nagbibigay ng mabuting maybahay. Ang taong tamad ay laging nakatihaya; kaya't siya'y magugutom, walang panlagay sa sikmura. Ang tumutupad sa kautusan ay nag-iingat ng kanyang buhay, at ang nagwawalang-bahala sa utos ay tiyak na mamamatay. Parang pagpapautang kay Yahweh ang pagtulong sa mahirap, at pagdating ng panahon, si Yahweh ang magbabayad. Ituwid mo ang iyong anak habang may pagkakataon pa, kung hindi'y ikaw na rin ang nagtulak sa pagkawasak niya. Di dapat pansinin ang taong mainit ang ulo, mapayuhan mo mang minsan, patuloy ding manggugulo. Dinggin mo at sundin ang payo sa iyo, at pagdating ng araw, pakikinabangan mo. Ang isang tao'y maraming iniisip, maraming binabalak, ngunit ang kalooban din ni Yahweh ang siyang mananaig. Kaibig-ibig sa isang tao ang kanyang katapatan, higit na mainam ang mahirap kaysa isang bulaan. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito'y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

Mga Kawikaan 19:8-23 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Siyang nagiimpok ng karunungan ay umiibig sa kaniyang sariling kaluluwa: Siyang nagiingat ng pagunawa ay makakasumpong ng mabuti. Ang sinungaling na saksi ay walang pagsalang parurusahan; At ang nagbabadya ng mga kasinungalingan ay mamamatay. Maayos na pamumuhay ay hindi magaling sa mangmang; Lalo na sa alipin na magpuno sa mga pangulo. Ang bait ng tao ay nagpapakupad sa galit. At kaniyang kaluwalhatian na paraanin ang pagsalangsang. Ang poot ng hari ay parang ungal ng leon; Nguni't ang kaniyang lingap ay parang hamog sa damo. Ang mangmang na anak ay kapanglawan ng kaniyang ama: At ang mga pakikipagtalo ng asawa ay walang likat na tulo. Bahay at mga kayamanan ay minamana sa mga magulang: Nguni't ang mabait na asawa ay galing sa Panginoon. Katamaran ay nagbabaon sa mahimbing na pagkakatulog; At ang tamad na kaluluwa ay magugutom. Ang nagiingat ng utos ay nagiingat ng kaniyang kaluluwa: Nguni't ang walang babala sa kaniyang mga lakad ay mamamatay. Ang naaawa sa dukha ay nagpapautang sa Panginoon, At ang kaniyang mabuting gawa ay babayaran sa kaniya uli. Parusahan mo ang iyong anak, dangang may pagasa; At huwag mong ilagak ang iyong puso sa kaniyang ikapapahamak. Ang taong may malaking poot ay magtataglay ng parusa: Sapagka't kung iyong iligtas iyong marapat na gawin uli. Makinig ka ng payo, at tumanggap ka ng turo, Upang ikaw ay maging pantas sa iyong huling wakas. May maraming katha sa puso ng tao; Nguni't ang payo ng Panginoon, ay siyang tatayo. Yaong nakagagawa sa isang tao upang siya'y maging kanaisnais ay ang kaniyang kagandahang-loob: At ang isang dukha ay maigi kay sa isang sinungaling. Ang pagkatakot sa Panginoon ay patungo sa kabuhayan; At ang nagtatangkilik noon ay tatahang may kasiyahan: Hindi siya dadalawin ng kasamaan.