Job 3:1-13
Job 3:1-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang. Ito ang kanyang sinabi: “Hindi na sana ako ipinanganak pa at hindi na rin sana ako ipinaglihi. Nabalot na sana ng dilim at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos. Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag. Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman, at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw. Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon, at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan. Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan, at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan. Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga, at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi. Sumpain ang gabi ng aking pagsilang na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan. “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya'y noong ako'y isilang niya? Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan, at binigyan ng gatas sa dibdib niya? Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
Job 3:1-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Kinalaunan, nagsalita si Job at isinumpa niya ang araw na isinilang siya. Sinabi niya, “Isinusumpa ko ang araw na akoʼy ipinanganak. Naging madilim na lang sana ang araw na iyon at hindi na sinikatan ng araw. Kinalimutan na lang sana ng Dios sa langit ang araw na iyon. Nanatili na lang sana itong madilim o natatakpan ng makapal na ulap, at nilukuban na lang sana ng kadiliman ang kaliwanagan. Kinuha na lang sana ng kadiliman ang gabing iyon nang akoʼy isilang, at hindi na sana napabilang sa kalendaryo. Hindi na nga lang sana ako ipinanganak ng gabing iyon, at wala rin sanang kasayahan noon. Sumpain nawa ang gabing iyon ng mga manunumpa na alam kung paano pakilusin ang Leviatan. Hindi na sana sumikat ang tala sa umaga ng araw na iyon, at hindi na sana dumating ang bukang-liwayway. Isinusumpa ko ang araw na iyon dahil hindi niya pinigilan ang pagsilang sa akin, nang hindi ko na sana naranasan ang ganitong paghihirap. “Mabuti pang namatay na lang ako sa sinapupunan ng aking ina. Bakit pa ako kinalingaʼt pinasuso ng aking ina? Kung namatay na sana ako noon, tahimik na sana ako ngayong natutulog at nagpapahinga
Job 3:1-13 Ang Biblia (TLAB)
Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan. At si Job ay sumagot, at nagsabi, Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, at ang gabi na nagsabi, may lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, ni silangan man ng liwanag. Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw. Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan. Narito, mapagisa ang gabing yaon; huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig. Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya. Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga: Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, o ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata. Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina? Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin? Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako
Job 3:1-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang. Ito ang kanyang sinabi: “Hindi na sana ako ipinanganak pa at hindi na rin sana ako ipinaglihi. Nabalot na sana ng dilim at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos. Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag. Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman, at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw. Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon, at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan. Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan, at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan. Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga, at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi. Sumpain ang gabi ng aking pagsilang na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan. “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya'y noong ako'y isilang niya? Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan, at binigyan ng gatas sa dibdib niya? Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
Job 3:1-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagkatapos nito'y ibinuka ni Job ang kaniyang bibig at sinumpa ang kaniyang kaarawan. At si Job ay sumagot, at nagsabi, Maparam nawa ang kaarawan ng kapanganakan sa akin, At ang gabi na nagsabi, May lalaking ipinaglihi. Magdilim nawa ang kaarawang yaon; Huwag nawang pansinin ng Dios mula sa itaas, Ni silangan man ng liwanag. Ang dilim at ang salimuot na kadiliman ang siyang mangagari niyaon; Pag-ulapan nawa yaon; Pangilabutin nawa yaon ng lahat na nagpapadilim sa araw. Suma gabing yaon nawa ang pagsasalimuot ng kadiliman: Huwag nawang kagalakan sa mga araw ng sangtaon; Huwag nawang mapasok sa bilang ng mga buwan. Narito, mapagisa ang gabing yaon; Huwag nawang datnan yaon ng masayang tinig. Sumpain nawa yaong nanganunumpa sa araw, Ng nangamimihasang gumalaw sa buwaya. Mangagdilim nawa ang mga bituin ng pagtatakip-silim niyaon: Maghintay nawa ng liwanag, nguni't huwag magkaroon: Ni huwag mamalas ang mga bukang liwayway ng umaga: Sapagka't hindi tinakpan ang mga pinto ng bahay-bata ng aking ina, O ikinubli man ang kabagabagan sa aking mga mata. Bakit hindi pa ako namatay mula sa bahay-bata? Bakit di pa napatid ang aking hininga nang ipanganak ako ng aking ina? Bakit tinanggap ako ng mga tuhod? O bakit ng mga suso, na aking sususuhin? Sapagka't ngayon ay nahihiga sana ako at natatahimik; Ako sana'y nakakatulog; na napapahinga ako