Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang. Ito ang kanyang sinabi: “Hindi na sana ako ipinanganak pa at hindi na rin sana ako ipinaglihi. Nabalot na sana ng dilim at huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos. Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag. Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman, at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw. Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon, at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan. Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan, at sumpain ng mga salamangkerong nagpapaamo ng dambuhalang Leviatan. Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga, at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi. Sumpain ang gabi ng aking pagsilang na nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan. “Bakit hindi pa ako namatay sa tiyan ng aking ina, o kaya'y noong ako'y isilang niya? Bakit kaya ako ay idinuyan pa, kinalong, inalagaan, at binigyan ng gatas sa dibdib niya? Kung namatay ako noon, ako sana'y tahimik na, mahimbing na natutulog at nagpapahinga.
Basahin Job 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 3:1-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas