“Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem. Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan. Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin. Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahweh ngunit sa pangalan naman pala ni Milcom; silang mga tumalikod na sa paglilingkod kay Yahweh at hindi na humihingi ng patnubay sa kanya.” Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh! Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh. Inihanda na niya ang kanyang bayan upang ialay, at inanyayahan niya ang kanyang mga panauhin upang wasakin ang Juda. Sa araw na iyon, sasabihin ni Yahweh, “Paparusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari, gayundin ang lahat ng tumutulad sa pananamit ng mga dayuhan. Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatay upang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.” Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon, maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda, mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod, at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol. Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod! Patay nang lahat ang mga mangangalakal; ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na. “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan upang halughugin ang Jerusalem. Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili at nagsasabing, ‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
Basahin Zefanias 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Zefanias 1:4-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas