Zefanias 1:4-12
Zefanias 1:4-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem. Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan. Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin. Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahweh ngunit sa pangalan naman pala ni Milcom; silang mga tumalikod na sa paglilingkod kay Yahweh at hindi na humihingi ng patnubay sa kanya.” Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh! Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh. Inihanda na niya ang kanyang bayan upang ialay, at inanyayahan niya ang kanyang mga panauhin upang wasakin ang Juda. Sa araw na iyon, sasabihin ni Yahweh, “Paparusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari, gayundin ang lahat ng tumutulad sa pananamit ng mga dayuhan. Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatay upang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.” Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon, maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda, mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod, at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol. Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod! Patay nang lahat ang mga mangangalakal; ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na. “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan upang halughugin ang Jerusalem. Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili at nagsasabing, ‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
Zefanias 1:4-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
“Parurusahan ko ang mga mamamayan ng Juda, pati na ang lahat ng mamamayan ng Jerusalem. Lilipulin ko ang mga natitirang sumasamba sa dios-diosang si Baal pati na ang mga paring naglilingkod dito, para tuluyan na silang makalimutan. Lilipulin ko rin ang mga taong umaakyat sa bubong ng kanilang bahay para sumamba sa araw, sa buwan at mga bituin. Lilipulin ko ang mga sumasamba at sumusumpang maglilingkod sa akin, pero sumusumpa ring maglilingkod sa dios-diosang si Molec. Lilipulin ko ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa akin. “Tumahimik kayo sa harapan ko, dahil malapit na ang araw ng aking pagpaparusa. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa. Parurusahan ko rin sa araw na iyon ang lahat ng sumasali sa mga seremonya ng mga hindi nakakakilala sa akin, at ang mga nagmamalupit at nandaraya para punuin ng mga bagay ang bahay ng kanilang panginoon. “Ako, ang PANGINOON ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal. “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang PANGINOON sa amin mabuti man o masama.’
Zefanias 1:4-12 Ang Biblia (TLAB)
At aking iuunat ang aking kamay sa Juda, at sa lahat na nananahan sa Jerusalem; at aking ihihiwalay ang nalabi kay Baal sa dakong ito, at ang pangalan ng mga Chemarim sangpu ng mga saserdote; At ang nagsisisamba sa natatanaw sa langit sa mga bubungan ng bahay; at ang nagsisisamba na nanunumpa sa Panginoon at nanunumpa sa pangalan ni Malcam; At ang nagsisitalikod na mula sa pagsunod sa Panginoon; at yaong mga hindi nagsisihanap sa Panginoon, ni sumangguni man sa kaniya. Pumayapa ka sa harap ng Panginoong Dios; sapagka't ang kaarawan ng Panginoon ay malapit na: sapagka't inihanda ng Panginoon ang isang hain, kaniyang itinalaga ang kaniyang mga panauhin. At mangyayari sa kaarawan ng hain sa Panginoon, na aking parurusahan ang mga prinsipe, at ang mga anak ng hari, at ang lahat na nangagsusuot ng pananamit ng taga ibang lupa. At sa araw na yaon ay aking parurusahan yaong lahat na nagsisilukso sa pasukan, na pinupuno ang bahay ng kanilang panginoon ng pangdadahas at pagdaraya. At sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, magkakaroon ng ingay ng hiyawan na mula sa pintuang-bayan ng mga isda, at ng pananambitan mula sa ikalawang bahagi, at malaking hugong na mula sa mga burol. Manambitan kayo, kayong mga nananahan sa Mactes; sapagka't ang buong bayan ng Canaan ay nalansag; yaong napapasanan ng pilak ay nangahiwalay. At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na nagsisiupo sa kanilang mga latak, na nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.
Zefanias 1:4-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Paparusahan ko ang lahat ng mamamayan ng Juda at ng Jerusalem. Wawasakin ko rin sa dakong ito ang mga nalalabing bakas ng pagsamba kay Baal at lubusan nang malilimutan ang mga paring naglilingkod sa mga diyus-diyosan. Kabilang dito ang mga umaakyat sa kanilang bubungan upang sumamba sa araw, sa buwan at sa mga bituin. Ang mga taong kunwa'y nanunumpa sa pangalan ni Yahweh ngunit sa pangalan naman pala ni Milcom; silang mga tumalikod na sa paglilingkod kay Yahweh at hindi na humihingi ng patnubay sa kanya.” Tumahimik kayo sa harapan ng Panginoong Yahweh! Sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh. Inihanda na niya ang kanyang bayan upang ialay, at inanyayahan niya ang kanyang mga panauhin upang wasakin ang Juda. Sa araw na iyon, sasabihin ni Yahweh, “Paparusahan ko ang mga pinuno at ang mga anak ng hari, gayundin ang lahat ng tumutulad sa pananamit ng mga dayuhan. Paparusahan ko rin ang mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, gayundin ang mga nagnanakaw at pumapatay upang may mailagay lamang sa bahay ng kanilang panginoon.” Sinabi rin ni Yahweh, “Sa araw na iyon, maririnig ang malakas na pagtangis ng mga tao sa pintuang tinatawag na Isda, mga panaghoy mula sa bagong bahagi ng lunsod, at malalakas na ingay dahil sa pagguho ng mga gusali sa mga burol. Tumangis kayo, mga naninirahan sa mababang lugar ng lunsod! Patay nang lahat ang mga mangangalakal; ang mga nagtitimbang ng pilak ay wala na. “Sa panahong iyon ay gagamit ako ng ilawan upang halughugin ang Jerusalem. Paparusahan ko ang mga taong labis na nagtitiwala sa sarili at nagsasabing, ‘Si Yahweh ay walang gagawin para sa ating ikabubuti o ikasasamâ.’
Zefanias 1:4-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)