Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 2:10-13

Ang Awit ni Solomon 2:10-13 RTPV05

Ang mahal ko ay nangusap at ganito ang sinabi: Sa akin ay sumama ka, halika na, aking mahal. Lumipas na ang taglamig sa buong lupain at ang tag-ulan ay natapos na rin. Bulaklak sa kaparangan tingna't namumukadkad, ito na nga ang panahon upang tayo ay magsaya, sa bukid, ang mga ibo'y masayang umaawit. Ang mga puno ng igos, hinog na ang bunga, at ang mga punong ubas, sa bulaklak ay hitik na. Tayo na nga aking mahal, sa akin ay sumama ka.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Ang Awit ni Solomon 2:10-13