Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ANG AWIT NG MGA AWIT 2:10-13

ANG AWIT NG MGA AWIT 2:10-13 ABTAG01

Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin, “Bumangon ka, maganda kong sinta, at tayo'y umalis; Sapagkat, ang taglamig ay lumipas na; ang ulan ay tapos na at wala na. Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pag-aawitan ay dumating, at ang tinig ng batu-bato ay naririnig sa ating lupain. Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, ang kanilang bango'y humahalimuyak. Bumangon ka, maganda kong sinta, at tayo'y umalis.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ANG AWIT NG MGA AWIT 2:10-13