Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 7:5-12

Pahayag 7:5-12 RTPV05

Labindalawang libo mula sa bawat lipi ng Israel: Juda, Reuben, Gad, Aser, Neftali, Manases, Simeon, Levi, Isacar, Zebulun, Jose, at Benjamin. Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lahi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. Sinasabi nila nang malakas, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa Kordero, at sa ating Diyos na nakaluklok sa trono!” Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, gayundin ang mga pinuno, at ang apat na nilalang na buháy. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos. Sinasabi nila, “Amen! Sa ating Diyos ang papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at lakas magpakailanman! Amen.”