sa lipi ni Zebulon ay 12,000; sa lipi ni Jose ay 12,000; sa lipi ni Benjamin ay 12,000 ang tinatakan. Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at naroon, ang napakaraming tao na di-mabilang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay; at nagsisigawan nang may malakas na tinig, na nagsasabi, “Ang pagliligtas ay sa aming Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero!” At ang lahat ng mga anghel ay tumayo sa palibot ng trono, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buháy at sila'y nagpatirapa sa harapan ng trono at sumamba sa Diyos, na nagsasabi, “Amen! Ang pagpapala, kaluwalhatian, karunungan, pagpapasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan, ay sa aming Diyos magpakailanpaman. Amen.”
Basahin APOCALIPSIS 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: APOCALIPSIS 7:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas