Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 84:1-5

Mga Awit 84:1-5 RTPV05

Mahal ko ang iyong templo, O Makapangyarihang Yahweh! Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos. Panginoon, sa templo mo, mga maya'y nagpupugad, maging ibong layang-layang sa templo mo'y nagagalak, may inakay na kalinga sa tabi ng iyong altar; O Yahweh, hari namin at Diyos na walang hanggan. Mapalad na masasabi, silang doo'y tumatahan at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan. (Selah) Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din, silang mga naghahangad, sa Zion ay makarating.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 84:1-5