Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 84:1-5

MGA AWIT 84:1-5 ABTAG01

Napakaganda ng tahanan mo, O PANGINOON ng mga hukbo! Ang kaluluwa ko'y nananabik, oo, nanghihina para sa mga bulwagan ng PANGINOON; ang puso ko't laman ay umaawit sa kagalakan sa buháy na Diyos. Maging ang maya ay nakakatagpo ng bahay, at ang layang-layang ay ng pugad para sa kanya, na mapaglalagyan niya ng kanyang inakay, O PANGINOON ng mga hukbo, sa mga dambana mo, Hari ko, at Diyos ko. Mapalad silang naninirahan sa bahay mo, na laging umaawit ng pagpupuri sa iyo! (Selah) Mapalad ang mga tao na ang mga kalakasan ay nasa iyo; na ang mga daan tungo sa Zion ay nasa kanilang puso.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 84:1-5