Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 73:1-14

Mga Awit 73:1-14 RTPV05

Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, sa paghakbang ko'y muntik nang madulas! Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas. Di tulad ng ibang naghirap nang labis, di nila dinanas ang buhay na gipit. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, at masasama rin ang nasa isipan; mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang; kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, anumang sabihi'y paniwalang lubos. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman, walang malay yaong Kataas-taasan.” Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.