Mga Awit 73:1-14
Mga Awit 73:1-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, sa paghakbang ko'y muntik nang madulas! Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas. Di tulad ng ibang naghirap nang labis, di nila dinanas ang buhay na gipit. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, at masasama rin ang nasa isipan; mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang; kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, anumang sabihi'y paniwalang lubos. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman, walang malay yaong Kataas-taasan.” Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
Mga Awit 73:1-14 Ang Salita ng Dios (ASND)
Tunay na mabuti ang Dios sa Israel, lalo na sa mga taong malilinis ang puso. Ngunit ako, halos mawalan na ako ng pananampalataya. Nainggit ako nang makita ko na ang mayayabang at masasama ay umuunlad. Malulusog ang kanilang mga katawan at hindi sila nahihirapan. Hindi sila naghihirap at nababagabag na tulad ng iba. Kaya ipinapakita nila ang kanilang kayabangan at kalupitan. Ang kanilang puso ay puno ng kasamaan, at ang laging iniisip ay paggawa ng masama. Kinukutya nila at pinagsasabihan ng masama ang iba. Mayayabang sila at nagbabantang manakit. Nagsasalita sila ng masama laban sa Dios at sa mga tao. Kaya kahit na ang mga mamamayan ng Dios ay lumilingon sa kanila at pinaniniwalaan ang mga sinasabi nila. Sinasabi nila, “Paano malalaman ng Dios? Walang alam ang Kataas-taasang Dios.” Ganito ang buhay ng masasama: wala nang problema, yumayaman pa. Bakit ganoon? Wala bang kabuluhan ang malinis kong pamumuhay at paglayo sa kasalanan? Nagdurusa ako buong araw. Bawat umaga akoʼy inyong pinarurusahan.
Mga Awit 73:1-14 Ang Biblia (TLAB)
Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: sila'y nangagsasalitang may kataasan. Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, at ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: at tubig ng punong saro ay nilalagok nila. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? Narito, ang mga ito ang masama; at palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, at hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; Sapagka't buong araw ay nasalot ako, at naparusahan tuwing umaga.
Mga Awit 73:1-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kay buti ng Diyos sa taong matuwid, sa lahat ng taong ang puso'y malinis. Ngunit ang sarili'y halos bumagsak, sa paghakbang ko'y muntik nang madulas! Sa taong mayabang, ako'y naiinggit nga, at sa biglang yaman ng mga masama. Ni hindi nagdanas ng anumang hirap, sila'y masisigla't katawa'y malakas. Di tulad ng ibang naghirap nang labis, di nila dinanas ang buhay na gipit. Ang pagmamalaki ay kinukuwintas, at ang dinaramit nila'y pandarahas. Ang tibok ng puso'y pawang kasamaan, at masasama rin ang nasa isipan; mga ibang tao'y pinagtatawanan, ang yayabang nila, ang layon sa buhay ay ang pang-aapi sa kapwa nilalang. Diyos mang nasa langit ay tinutungayaw, labis kung mag-utos sa mga nilalang; kaya sumusunod pati lingkod ng Diyos, anumang sabihi'y paniwalang lubos. Ang sabi, “Ang Diyos walang nalalaman, walang malay yaong Kataas-taasan.” Ang mga masama'y ito ang kagaya, di na kinukulang ay naghahanap pa. Samantalang ako, malinis ang palad, hindi nagkasala't lubos na nag-ingat, at aking natamo'y kabiguang lahat. Diyos, pinagtiis mo ako ng hirap, sa tuwing umaga'y parusa ang gawad.
Mga Awit 73:1-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Tunay na ang Dios ay mabuti sa Israel. Sa mga malilinis sa puso. Nguni't tungkol sa akin, ang mga paa ko'y halos nahiwalay: Ang mga hakbang ko'y kamunti nang nangadulas. Sapagka't ako'y nanaghili sa hambog, Nang aking makita ang kaginhawahan ng masama. Sapagka't walang mga tali sa kanilang kamatayan: Kundi ang kanilang kalakasan ay matatag. Sila'y wala sa kabagabagan na gaya ng ibang mga tao; Na hindi man sila nangasasalot na gaya ng ibang mga tao. Kaya't kapalalua'y gaya ng kuwintas sa kanilang leeg: Tinatakpan sila ng karahasan na gaya ng bihisan. Ang kanilang mga mata ay lumuluwa sa katabaan: Sila'y mayroong higit kay sa mananasa ng puso. Sila'y manganunuya, at sa kasamaan ay nanunungayaw ng pagpighati: Sila'y nangagsasalitang may kataasan. Kanilang inilagay ang kanilang bibig sa mga langit, At ang kanilang dila ay lumalakad sa lupa. Kaya't ibinabalik dito ang kaniyang bayan: At tubig ng punong saro ay nilalagok nila. At kanilang sinasabi, Paanong nalalaman ng Dios? At may kaalaman ba sa Kataastaasan? Narito, ang mga ito ang masama; At palibhasa'y laging tiwasay nagsisilago sa mga kayamanan, Tunay na sa walang kabuluhan ay nilinis ko ang aking puso, At hinugasan ko ang aking mga kamay sa kawalaang sala; Sapagka't buong araw ay nasalot ako, At naparusahan tuwing umaga.