Kung kayo ay may bagabag, ako lagi ang tawagin; kayo'y aking ililigtas, ako'y inyong pupurihin.” Ang tanong ng Panginoon sa masama't mga buktot, “Bakit ninyo inuusal ang aking mga utos? Gayundin ang kasunduang hindi ninyo sinusunod? Kapag kayo ay tinutuwid, agad kayong napopoot, at ni ayaw na tanggapin ang aking mga utos; ang makitang magnanakaw ang nagiging kaibigan, at taong mapang-apid ang siya ninyong kasamahan. “Mabilis ang inyong dila sa masamang sasabihin; sa inyo ay bale-wala ang gawaing pagsisinungaling. Handa ninyong paratangan maging tunay na kapatid, at kay daming kapintasang sa kanila'y nasisilip. Kahit ito ay ginawa hindi kayo pinupuna, kaya naman ang akala, kayo't ako'y magkaisa. Ngunit ngayon, panahon nang kayo'y aking pagwikaan, upang inyong maunawa ang ginawang kamalian. “Kaya ngayo'y dinggin ito, kayong sa aki'y di pumapansin, kapag ako'y di dininig, kayo'y aking wawasakin; walang sinumang sa inyo'y makakaligtas sa akin. Ang parangal na nais ko na sa aki'y ihahain, ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw; akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.”
Basahin Mga Awit 50
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 50:15-23
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas