Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 50:15-23

Salmo 50:15-23 ASND

Tumawag kayo sa akin sa oras ng inyong kagipitan. At ililigtas ko kayo at akoʼy pararangalan ninyo.” Ngunit sinabi ng Dios sa mga masama, “Wala kayong karapatang banggitin ang aking mga kautusan at kasunduan! Namumuhi kayo sa aking pagdidisiplina. Hindi ninyo pinapansin ang mga sinasabi ko. Kapag nakakita kayo ng magnanakaw, nakikipagkaibigan kayo sa kanya at nakikisama rin kayo sa mga nakikiapid. Lagi kayong nagsasalita ng masama at kay dali para sa inyong magsinungaling. Sinisiraan ninyo ang inyong mga kapatid. Hindi ako kumibo nang gawin ninyo ang mga bagay na ito, kaya inakala ninyong katulad din ninyo ako. Ngunit sasawayin ko kayo at ipapakita ko sa inyo kung gaano kayo kasama. Pakinggan ninyo ito, kayong mga nakalimot sa Dios, dahil kung hindi ay lilipulin ko kayo at walang makapagliligtas sa inyo. Ang naghahandog sa akin ng pasasalamat ay pinaparangalan ako at ang nag-iingat sa kanyang pag-uugali ay ililigtas ko.”