Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis; naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik. Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit, “Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.” Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya! Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.
Basahin Mga Awit 42
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Mga Awit 42:3-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas