Mga Awit 42:3-5
Mga Awit 42:3-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis; naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik. Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit, “Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.” Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya! Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.
Mga Awit 42:3-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Araw-gabiʼy, luha ko lang ang pagkain ko, habang sinasabi sa akin ng aking mga kaaway, “Nasaan na ang Dios mo?” Sumasama ang loob ko kapag naaalala ko na dati ay pinangungunahan ko ang maraming tao na pumupunta sa templo. At kami ay nagdiriwang, sumisigaw sa kagalakan at nagpapasalamat sa inyo. Bakit nga ba ako nalulungkot at nababagabag? Dapat magtiwala ako sa inyo. Pupurihin ko kayong muli, aking Dios at Tagapagligtas!
Mga Awit 42:3-5 Ang Biblia (TLAB)
Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, saan nandoon ang iyong Dios? Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.
Mga Awit 42:3-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis; naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik. Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit, “Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.” Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya! Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan.
Mga Awit 42:3-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang aking mga luha ay naging aking pagkain araw at gabi, Habang kanilang sinasabing lagi sa akin, Saan nandoon ang iyong Dios? Ang mga bagay na ito ay aking naaalaala, at nanglulumo ang aking kaluluwa sa loob ko, Kung paanong ako'y nagpatuloy sa karamihan, at pinatnubayan ko sila sa bahay ng Dios, Na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, na isang karamihan na nagdidiwang ng kapistahan. Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya Dahil sa kagalingan ng kaniyang mukha.