Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 22:14-18

Mga Awit 22:14-18 RTPV05

Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas, ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad; pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot, parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos! Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya, ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala, sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na. Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid, para akong nasa gitna ng mga asong ganid; mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit. Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto, tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko. Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 22:14-18