Mga Awit 22:14-18
Mga Awit 22:14-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas, ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad; pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot, parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos! Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya, ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala, sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na. Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid, para akong nasa gitna ng mga asong ganid; mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit. Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto, tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko. Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
Mga Awit 22:14-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nawalan ako ng lakas na parang tubig na ibinubuhos, at ang aking mga buto ay parang nalinsad lahat. At nawalan ako ng lakas ng loob, para akong nauupos na kandila. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang tigang na lupa, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngala-ngala. O PANGINOON, pinabayaan nʼyo ako sa lupa na parang isang patay. Pinaligiran ako ng mga taong masama na parang mga aso. At binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa. Naglalabasan na ang lahat ng aking mga buto, ngunit akoʼy kanilang tinitingnan lamang. Ang aking mga damit ay kanilang pinaghati-hatian sa pamamagitan ng palabunutan.
Mga Awit 22:14-18 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako: Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.
Mga Awit 22:14-18 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Parang natapong tubig, nawalan ako ng lakas, ang mga buto ko'y parang nagkalinsad-linsad; pinagharian ang dibdib ko ng matinding takot, parang kandila ang puso ko, natutunaw, nauubos! Itong aking lalamuna'y tuyong abo ang kagaya, ang dila ko'y dumidikit sa aking ngalangala, sa alabok, iniwan mo ako na halos patay na. Isang pangkat ng salarin, sa aki'y nakapaligid, para akong nasa gitna ng mga asong ganid; mga kamay at paa ko'y kanilang pinupunit. Kitang-kita ang lahat ng aking mga buto, tinitingnan at nilalait ng mga kaaway ko. Mga damit ko'y kanilang pinagsugalan, at mga saplot ko'y pinaghati-hatian.
Mga Awit 22:14-18 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako'y nabuhos na parang tubig, At lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: Ang aking puso ay parang pagkit; Natutunaw ito sa loob ko. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; At ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; At dinala mo ako sa alabok ng kamatayan. Sapagka't niligid ako ng mga aso: Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa. Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; Kanilang minamasdan, at pinapansin ako: Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, At kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.