Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.
Basahin Mga Awit 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 21:8-13
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas