Mga Awit 21:8-13
Mga Awit 21:8-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:8-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, matatalo nʼyo ang lahat nʼyong mga kaaway. At kapag kayo ay dumating PANGINOON, lilipulin nʼyo sila. Dahil sa galit nʼyo, tutupukin sila na parang dayami sa naglalagablab na apoy. Uubusin nʼyo ang lahat ng mga anak nila sa buong kalupaan, upang wala nang magpatuloy ng kanilang lahing masama. Nagbabalak sila ng masama laban sa inyo, ngunit hindi sila magtatagumpay. Tatakas sila kapag nakita nilang nakatutok na sa kanila ang inyong pana. PANGINOON, pinupuri namin kayo dahil sa inyong kalakasan. Aawit kami ng mga papuri dahil sa inyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:8-13 Ang Biblia (TLAB)
Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, at susupukin sila ng apoy. Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, at ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. Sapagka't iyong patatalikurin sila, ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:8-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dadakpin ng hari ang lahat niyang mga kaaway, bibihagin niya ang bawat isa na sa kanya'y nasusuklam. Sa kanyang pagdating, sa apoy sila'y susunugin, sa galit ni Yahweh, sa apoy sila'y tutupukin. Walang matitira sa kanilang lahi, sapagkat sila'y lilipulin ng hari. Sa masasamang balak nilang gawin laban sa kanya, walang anumang magtatagumpay sa mga plano nila. Sila'y kanyang papanain, sila'y uurong at patatakbuhin. Pinupuri ka namin, Yahweh, sa taglay mong kalakasan! Aawit kami at magpupuri dahil sa iyong kapangyarihan.
Mga Awit 21:8-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway: Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo. Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit. Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot, At susupukin sila ng apoy. Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa, At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao. Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo: Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa. Sapagka't iyong patatalikurin sila, Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila. Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan: Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.