Purihin n'yo si Yahweh, buong sanlibutan, maging dambuhala nitong karagatan. Ulan na may yelo, kidlat pati ulap, malakas na hangin, sumunod na lahat! Pagpupuri kay Yahweh lahat ay mag-ukol. Mga kabundukan, mataas na burol, malawak na gubat, mabubungang kahoy; hayop na maamo't mailap na naroon, maging hayop na gumagapang at mga ibon. Pupurihin siya ng lahat ng tao, hari at prinsipe, lahat ng pangulo; babae't lalaki, mga kabataan, matatandang tao't kaliit-liitan. Sa ngalan ni Yahweh, magpuri ang lahat, ang kanyang pangala'y pinakamataas; sa langit at lupa'y maluwalhating ganap. Siya'ng nagpalakas sa sariling bansa, kaya pinupuri ng piniling madla, ang bayang Israel, mahal niyang lubha! Purihin si Yahweh!
Basahin Mga Awit 148
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 148:7-14
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas