Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 148:7-14

MGA AWIT 148:7-14 ABTAG

Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa, Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman: Apoy at granizo, nieve at singaw; Unos na hangin, na gumaganap ng kaniyang salita: Mga bundok at lahat ng mga gulod; Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro: Mga hayop at buong kawan; Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad: Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan; Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa: Mga binata at gayon din ng mga dalaga; Mga matanda at mga bata: Purihin nila ang pangalan ng Panginoon; Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi: Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit. At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan, Ang papuri ng lahat niyang mga banal; Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, na bayang malapit sa kaniya. Purihin ninyo ang Panginoon.