Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 105:1-6

Mga Awit 105:1-6 RTPV05

Dapat na si Yahweh, ating Panginoon, ay pasalamatan, ang kanyang ginawa sa lahat ng bansa'y dapat ipaalam. Siya ay purihin, handugan ng awit, ating papurihan, ang kahanga-hangang mga gawa niya'y dapat na isaysay. Tayo ay magalak yamang lahat tayo ay tunay na kanya, ang kanyang pangalan, ang pangalang banal, napakadakila, lahat ng may nais maglingkod kay Yahweh, dapat na magsaya. Siya ay hanapin, at ang kanyang lakas ay siyang asahan, siya ay hanapin upang mamalagi sa kanyang harapan. Ating gunitain ang kahanga-hanga niyang mga gawa, ang kanyang paghatol, gayon din ang kanyang ginawang himala. Ito'y nasaksihan ng mga alipi't anak ni Abraham, gayon din ng lahat na anak ni Jacob na kanyang hinirang.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 105:1-6