Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 105:1-6

Salmo 105:1-6 ASND

Pasalamatan nʼyo ang PANGINOON. Sambahin nʼyo siya! Ihayag sa mga tao ang kanyang mga ginawa. Awitan nʼyo siya ng mga papuri; ihayag ang lahat ng kamangha-mangha niyang mga gawa. Purihin nʼyo ang kanyang banal na pangalan. Magalak kayo, kayong mga lumalapit sa PANGINOON. Magtiwala kayo sa PANGINOON, at sa kanyang kalakasan. Palagi kayong dumulog sa kanya. Kayong mga lahi ni Abraham na lingkod ng Dios, at mga lahi rin ni Jacob na kanyang hinirang, alalahanin ninyo ang kahanga-hanga niyang mga gawa, mga himala, at ang kanyang paghatol.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 105:1-6