Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan, kaysa pilak at ginto o anumang kayamanan. Kay Yahweh ay pareho ang mayama't mahirap, pagkat siya ang may lalang sa kanilang lahat. Kung may dumarating na panganib, ang matalino'y nag-iingat, ngunit di ito pansin ng mangmang kaya siya'y napapahamak. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh at ang kapakumbabaan ay nagbubunga ng yaman, buhay at karangalan. Sa landas ng masama ay may tinik at mga patibong, at ang nagmamahal sa sarili ay umiiwas doon. Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki'y di niya ito malilimutan. Ang mahirap ay nasa kapangyarihan ng mayaman, ang nangangailangan ay alipin ng nagpapahiram. Ang naghahasik ng kasamaan ay mag-aani ng kamalasan, at hindi magtatagal ang kanyang kasamaan. Ang mahirap ay bahaginan mo ng pagkain, at tiyak na ikaw ay pagpapalain. Palayasin mo ang mga sulsol at mawawala ang alitan, at matitigil ang kaguluhan pati pag-aaway. Ang magiliw mangusap at may pusong dalisay, pati ang hari'y magiging kaibigan. Binabantayan ni Yahweh ang mga nag-iingat ng kaalaman, ngunit di niya pinagtatagumpay ang salita ng mga mangmang. Ang tamad ay ayaw lumabas ng bahay, ang idinadahila'y may leon sa daan. Ang salita ng mapang-apid ay isang patibong at ang mga hindi nagtitiwala kay Yahweh ang nahuhulog doon. Likas sa mga bata ang pagiging pilyo, ngunit sa pamamagitan ng palo, sila'y matututo. Ang nagreregalo sa mayaman o umaapi sa mahirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.
Basahin Mga Kawikaan 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 22:1-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas