Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 22:1-16

MGA KAWIKAAN 22:1-16 ABTAG01

Ang mabuting pangalan ay dapat piliin, kaysa malaking kayamanan, at mabuti kaysa pilak at ginto ang magandang kalooban. Ang mayaman at ang dukha ay nagkakasalubong kapwa; ang PANGINOON ang sa kanilang lahat ay gumawa. Ang matalinong tao ay nakakakita ng panganib at nagkukubli siya, ngunit nagpapatuloy ang walang muwang at siya'y nagdurusa. Ang gantimpala sa pagpapakumbaba at takot sa PANGINOON ay kayamanan, karangalan, at buhay. Nasa daan ng mandaraya ang mga tinik at silo, ang nag-iingat ng kanyang sarili, sa mga iyon ay lalayo. Sanayin mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at kapag tumanda na siya ay hindi niya ito tatalikuran. Ang namumuno sa dukha ay ang mayaman, at ang nanghihiram ay alipin ng nagpapahiram. Ang naghahasik ng kasamaan ay aani ng kapahamakan; at ang pamalo ng kanyang poot ay di magtatagumpay. Ang may mga matang mapagbigay ay pinagpapala, sapagkat nagbibigay siya ng kanyang tinapay sa mga dukha. Itaboy mo ang manlilibak, at ang pagtatalo ay aalis; ang pag-aaway at pang-aapi ay matitigil. Siyang umiibig ng kalinisan ng puso, at mabiyaya ang pananalita, ang hari ay magiging kaibigan niya. Ang mga mata ng PANGINOON ay nagbabantay sa kaalaman, ngunit ang mga salita ng taksil ay kanyang ibinubuwal. Sinasabi ng tamad, “May leon sa labas! Mapapatay ako sa mga lansangan!” Ang bibig ng masamang babae ay isang malalim na hukay; siyang kinapopootan ng PANGINOON doon ay mabubuwal. Nakabalot sa puso ng bata ang kahangalan, ngunit inilalayo ito sa kanya ng pamalo ng pagsaway. Ang umaapi sa dukha upang magpalago ng kanyang kayamanan, at nagbibigay sa mayaman, ay hahantong lamang sa kasalatan.