Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Bilang 24:15-25

Mga Bilang 24:15-25 RTPV05

Muli siyang nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang mensahe ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos, ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos, ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin. Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir, samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel, ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.” Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.” Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo: “Tirahan mo ay matibay at matatag. Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas. Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.” Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag, “Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos? Darating ang mga barko, mula sa Kitim upang kanilang lusubin si Asur at si Eber, ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.” Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.