Mga Bilang 24:15-25
Mga Bilang 24:15-25 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pagkatapos, sinabi ni Balaam ang mensaheng ito: “Ako si Balaam na anak ni Beor, at may malinaw akong pang-unawa. Narinig ko ang salita ng Kataas-taasang Dios, at nakakita ako ng pangitain mula sa Makapangyarihang Dios. Nagpatirapa ako sa kanya at nagpahayag siya sa akin. Ito ang aking mensahe: “May nakita ako sa aking pangitain na hindi pa nangyayari. Sa hinaharap, mamamahala ang isang hari sa Israel mula sa lahi ni Jacob. Ibabagsak niya ang mga Moabita at ang lahat ng lahi ni Set. Sasakupin niya ang Edom na kanyang kaaway, na tinatawag din na Seir, habang tumatatag ang Israel. Mamumuno ang isang pinuno sa Israel at ibabagsak niya ang mga natirang buhay sa lungsod ng Moab.” Pagkatapos, nakita ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Amalekita at sinabi niya, “Ang Amalek noon ang nangunguna sa mga bansa, pero sa huli, babagsak ito.” Pagkatapos, nakita na naman ni Balaam sa kanyang pangitain ang mga Keneo at sinabi niya, “Matatag ang inyong tinitirhan, dahil nakapatong ito sa mga bato pero babagsak kayo kapag binihag kayo ng Asiria.” At sinabi pa ni Balaam ang mensaheng ito, “Kahabag-habag, sino ba ang mabubuhay kung gagawin ito ng Dios? Darating ang mga barko mula sa Kitim at sasakupin nila ang mga mamamayan ng Asiria at ng Eber, pero babagsak din ang Kitim.” Pagkatapos, umuwi si Balaam at ganoon din si Balak.
Mga Bilang 24:15-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Muli siyang nagsalita, “Ang pahayag ni Balaam na anak ni Beor, ang mensahe ng taong may malinaw na paningin. Ang pahayag ng isang taong nakikinig sa salita ng Diyos, ng nakakaalam ng kalooban ng Kataas-taasang Diyos, ng nakakakita ng pangitain buhat sa Makapangyarihan. Kahit nabuwal sa lupa'y malinaw pa rin ang aking paningin. Mayroon akong nakikita ngunit hindi pa ngayon magaganap, nakikita ko ngayon ang mangyayari sa hinaharap. Mula sa lahi ni Jacob ay lilitaw ang isang bituin, sa lahi ni Israel ay may maghahari rin. Mga pinuno ni Moab ay kanyang lilipulin, lahat ng mga anak ni Set ay kanyang pababagsakin. Sasakupin niya ang Edom at ang mga kaaway niya sa Seir, samantala'y patuloy na magwawagi ang bansang Israel. Lulupigin silang lahat nitong bansang Israel, ang natitirang buháy sa mga lunsod ay kanilang uubusin.” Nang makita niya sa pangitain ang Amalek ay ganito ang sinabi niya: “Ang Amalek ay bansang pangunahin, ngunit sa huli, siya ay lilipulin.” Sinabi pa niya nang makita sa pangitain ang mga Cineo: “Tirahan mo ay matibay at matatag. Gayunman, ang bansang Cineo ay parang pugad na nasa mataas. Di magtatagal, bibihagin ka ni Asur.” Nagpatuloy siya sa kanyang pahayag, “Sino'ng maaaring mabuhay kapag ito'y isinagawa ng Diyos? Darating ang mga barko, mula sa Kitim upang kanilang lusubin si Asur at si Eber, ngunit sa bandang huli, siya'y malulupig din.” Pagkatapos, si Balaam ay umuwi na, at ganoon din si Balac.

Mga Bilang 24:15-25 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, At ang lalaking napikit ang mga mata ay nagsabi; Siya'y nagsabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, At nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, Na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, Na nalulugmok at nakadilat ang kaniyang mga mata: Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. At ang Edom ay magiging pag-aari niya. Ang Seir man ay magiging pag-aari niya, na siyang dating kaniyang mga kaaway; Samantalang ang Israel ay magpapakatapang. At mula sa Jacob ay magkakaroon ng isang may kapangyarihan, At gigibain niya sa bayan ang nalalabi. At kaniyang minasdan ang Amalec, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ang Amalec ay siyang dating panguna sa mga bansa; Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapupuksa. At kaniyang minasdan ang Cineo, at ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Matibay ang iyong dakong tahanan, At ang iyong pugad ay nalalapag sa malaking bato. Gayon ma'y mawawasak ang Cain, Hanggang sa ikaw ay madalang bihag ng Assur. At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Ay! sinong mabubuhay pagka ginawa ng Dios ito? Datapuwa't ang mga sasakyan ay manggagaling sa baybayin ng Cittim. At kanilang pagdadalamhatiin ang Assur, at kanilang pagdadalamhatiin ang Eber, At siya man ay mapupuksa. At si Balaam ay tumindig, at yumaon at bumalik sa kaniyang sariling dako: at si Balac naman ay yumaon ng kaniyang lakad.
Mga Bilang 24:15-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Mga Bilang 24:15-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)