At binigkas niya ang kanyang talinghaga, na sinasabi: “Ang sabi ni Balaam na anak ni Beor, ang sabi ng taong bukas ang mga mata, ang sabi niya, na nakarinig ng mga salita ng Diyos, at nakaalam ng karunungan ng Kataas-taasan, na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, na nakalugmok ngunit bukas ang kanyang mga mata. Aking makikita siya, ngunit hindi ngayon; aking pagmamasdan siya, ngunit hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, at may isang setro na lilitaw sa Israel, at dudurugin ang noo ng Moab, at lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. Ang Edom ay sasamsaman, ang Seir na kanyang mga kaaway ay sasamsaman rin, samantalang ang Israel ay nagpapakatapang. Sa pamamagitan ng Jacob ay magkakaroon ng kapamahalaan, at ang nalalabi sa bayan ay pupuksain.” Pagkatapos siya'y tumingin sa Amalek, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi, “Ang Amalek ay siyang dating nangunguna sa mga bansa; ngunit sa huli siya ay mapupuksa.” At tumingin siya sa Kineo, at binigkas ang kanyang talinghaga na sinasabi, “Matibay ang iyong tirahan, at ang iyong pugad ay nasa malaking bato; gayunma'y mawawasak ang Cain. Gaano katagal na bibihagin ka ng Ashur?” At siya'y nagsalita ng talinghaga, na sinasabi: “Sinong mabubuhay kapag ginawa ito ng Diyos? Ngunit ang mga barko ay manggagaling sa baybayin ng Kittim at kanilang pahihirapan ang Ashur at Eber, at siya man ay pupuksain.” Pagkatapos, si Balaam ay tumindig at bumalik sa kanyang lugar; at si Balak ay umalis na rin.
Basahin MGA BILANG 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA BILANG 24:15-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas