Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mikas 5:10-15

Mikas 5:10-15 RTPV05

“At sa araw na iyon,” sabi ni Yahweh, “aalisan ko kayo ng mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe. Gigibain ko ang inyong mga lunsod at ibabagsak ang matitibay ninyong tanggulan. Wawasakin ko ang inyong mga agimat at mawawala na rin ang mga manghuhula. Wawasakin ko ang inyong mga diyus-diyosan at mga haliging itinuturing ninyong sagrado, at hindi na kayo sasamba sa ginawa ng inyong mga kamay. Dudurugin ko rin ang inyong mga diyus-diyosang Ashera at iguguho ang inyong mga lunsod. Ibabagsak ko sa inyo ang aking poot, at isasagawa ang aking paghihiganti sa mga bansang hindi sumunod sa akin.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mikas 5:10-15

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya