Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Micas 5:10-15

Micas 5:10-15 ASND

Sinabi ng PANGINOON, “Sa mga araw na iyon, ipapapatay ko ang inyong mga kabayo at sisirain ko ang inyong mga karwahe. Gigibain ko ang inyong mga lungsod pati na ang mga napapaderang lungsod. Sisirain ko ang inyong mga anting-anting at mawawala ang inyong mga mangkukulam. Hindi na kayo sasamba sa mga imahen at sa mga alaalang bato na inyong ginawa, dahil wawasakin ko ang mga ito. Sisirain ko rin ang inyong mga posteng simbolo ng diosang si Ashera. At wawasakin ko ang inyong mga lungsod. Sa aking matinding galit, maghihiganti ako sa mga bansang sumuway sa akin.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Micas 5:10-15