Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mateo 26:6-13

Mateo 26:6-13 RTPV05

Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin. Lumapit sa kanya ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ibinuhos ito sa ulo ni Jesus habang siya'y kumakain. Nagalit ang mga alagad nang makita ito. “Bakit inaksaya ang pabango?” tanong nila. “Naipagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” Alam ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Bakit ninyo minamasama ang ginagawa niya? Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin. Sapagkat habang panaho'y kasama ninyo ang mga mahihirap, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon. Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin. Tandaan ninyo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, babanggitin ang ginawa niyang ito bilang pag-alaala sa kanya.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mateo 26:6-13