Mateo 26:6-13
Mateo 26:6-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin. Lumapit sa kanya ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ibinuhos ito sa ulo ni Jesus habang siya'y kumakain. Nagalit ang mga alagad nang makita ito. “Bakit inaksaya ang pabango?” tanong nila. “Naipagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” Alam ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Bakit ninyo minamasama ang ginagawa niya? Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin. Sapagkat habang panaho'y kasama ninyo ang mga mahihirap, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon. Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin. Tandaan ninyo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, babanggitin ang ginawa niyang ito bilang pag-alaala sa kanya.”
Mateo 26:6-13 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang si Jesus ay nasa Betania, sa bahay ni Simon na dating may malubhang sakit sa balat, lumapit sa kanya ang isang babae. May dala itong mamahaling pabango sa isang sisidlang yari sa batong alabastro. At habang kumakain si Jesus, ibinuhos ng babae ang pabango sa ulo ni Jesus. Nagalit ang mga tagasunod ni Jesus nang makita ito. Sinabi nila, “Bakit niya sinasayang ang pabangong iyan? Maipagbibili sana iyan sa malaking halaga, at maibibigay ang pera sa mga mahihirap.” Alam ni Jesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo ginugulo ang babae? Mabuti ang ginawa niyang ito sa akin. Ang mga mahihirap ay lagi ninyong makakasama, pero ako ay hindi. Binuhusan niya ako ng pabango para ihanda ang aking katawan sa libing. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kahit saan man ipapangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, ipapahayag din ang ginawa niyang ito sa akin bilang pag-alaala sa kanya.”
Mateo 26:6-13 Ang Biblia (TLAB)
Nang nasa Betania nga si Jesus sa bahay ni Simon na ketongin, Ay lumapit sa kaniya ang isang babae na may dalang isang sisidlang alabastro ng unguento na lubhang mahalaga, at ibinuhos sa kaniyang ulo, samantalang siya'y nakaupo sa pagkain. Datapuwa't nang makita ito ng mga alagad, ay nangagalit sila, na nangagsasabi, Ano ang layon ng pagaaksayang ito? Sapagka't ito'y maipagbibili sa malaking halaga, at maibibigay sa mga dukha. Datapuwa't nang mahalata ito ni Jesus ay sinabi sa kanila, Bakit ninyo binabagabag ang babae? sapagka't gumawa siya sa akin ng mabuting gawa. Sapagka't laging nangasa inyo ang mga dukha; datapuwa't ako'y hindi laging nasa inyo. Sapagka't sa pagbubuhos niya nitong unguento sa aking katawan, ay ginawa niya ito upang ihanda ako sa paglilibing. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Saan man ipangaral ang evangeliong ito sa buong sanglibutan, ay sasaysayin din ang ginawa ng babaing ito sa pagaalaala sa kaniya.
Mateo 26:6-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nasa Bethania noon si Jesus, sa bahay ni Simon na ketongin. Lumapit sa kanya ang isang babaing may dalang sisidlang alabastro na puno ng napakamahal na pabango. Ibinuhos ito sa ulo ni Jesus habang siya'y kumakain. Nagalit ang mga alagad nang makita ito. “Bakit inaksaya ang pabango?” tanong nila. “Naipagbili sana iyon sa malaking halaga at naibigay sa mga mahihirap ang pinagbilhan!” Alam ito ni Jesus kaya't sinabi niya, “Bakit ninyo minamasama ang ginagawa niya? Isang mabuting bagay ang ginawa niyang ito sa akin. Sapagkat habang panaho'y kasama ninyo ang mga mahihirap, ngunit ako'y hindi ninyo kasama habang panahon. Hindi pa ma'y binuhusan na niya ako ng pabango bilang paghahanda sa paglilibing sa akin. Tandaan ninyo, saan man ipangaral ang Magandang Balita sa buong mundo, babanggitin ang ginawa niyang ito bilang pag-alaala sa kanya.”
Mateo 26:6-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)