Dinala noon kay Jesus ang isang lalaking bulag at pipi na sinasapian ng demonyo. Pinagaling siya ni Jesus kaya't siya'y nakakita at nakapagsalita. Namangha ang lahat at sinabi nila, “Ito na kaya ang Anak ni David?” Nang marinig ito ng mga Pariseo, sinabi nila, “Nakapagpapalayas siya ng mga demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ni Beelzebul, ang pinuno ng mga demonyo.” Subalit alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya't sinabi niya, “Ang bawat kahariang nahahati at naglalaban-laban ay babagsak, at alinmang bayan o sambahayang naglalaban-laban ay mawawasak.
Basahin Mateo 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 12:22-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas