Pagkatapos ay dinala kay Jesus ang isang bulag at pipi na inaalihan ng demonyo, at kanyang pinagaling ito kaya't ang dating pipi ay nakapagsalita at nakakita. At ang lahat ng tao ay namangha at nagsabi, “Ito na kaya ang Anak ni David?” Ngunit nang marinig ito ng mga Fariseo ay sinabi nila, “Ang taong ito'y nagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan lamang ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” Ngunit nalalaman niya ang mga iniisip nila, at sinabi niya sa kanila, “Ang bawat kahariang nahahati laban sa kanyang sarili ay mawawasak; at ang bawat lunsod o bahay na nahahati laban sa kanyang sarili ay hindi makakatayo.
Basahin MATEO 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 12:22-25
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas