Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion at ibigay ang hudyat sa banal na bundok ng Diyos. Manginig kayong mga taga-Juda, sapagkat malapit nang dumating ang araw ni Yahweh. Ito'y makulimlim at malungkot na araw, madilim ang buong kapaligiran; at lilitaw ang napakakapal na balang tulad ng paglaganap ng dilim sa kabundukan. Hindi pa nangyayari ang ganito nang mga nakaraang panahon, at hindi na mangyayari pang muli maging sa darating na panahon. Nilalamon nilang tulad ng apoy ang mga halaman. Parang halamanan ng Eden ang lupain bago sila dumating, ngunit naging malungkot na ilang nang kanilang iwan; wala silang itinira. Parang mga kabayo ang kanilang anyo, waring mga kabayong pandigma kung sila'y tumakbo. Kapag dumaraan sila sa ibabaw ng mga bundok, ang ingay nila ay parang rumaragasang karwahe, parang tuyong damo na sinusunog. Nakahanay sila, tulad ng isang hukbo na handang makipagdigma. Habang sila'y papalapit, nasisindak ang lahat; namumutla sa takot ang bawat isa. Sumasalakay sila, gaya ng mga mandirigma; inaakyat nila ang mga pader gaya ng mga kawal. Walang lingun-lingon silang sumusugod. Walang lumilihis sa landas na tinatahak. Lumulusot sila sa mga tanggulan at walang makakapigil sa kanila. Sinasalakay nila ang lunsod, inaakyat ang mga pader; pinapasok ang mga bahay, lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw. Sa pagdaan nila'y nayayanig ang lupa; at umuuga ang langit. Nagdidilim ang araw at ang buwan, at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag. Parang kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo. Ang mga pangkat na tumatalima sa kanya ay marami at malalakas. Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh! Sino ang makakatagal dito?
Basahin Joel 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Joel 2:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas