Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, patunugin ninyo ang hudyat sa aking banal na bundok! Manginig ang lahat ng naninirahan sa lupain, sapagkat ang araw ng PANGINOON ay dumarating, ito'y malapit na; isang araw ng kadiliman at pagkulimlim, araw ng mga ulap at makapal na dilim! Gaya ng bukang-liwayway na kumakalat sa mga bundok, isang dakila at makapangyarihang hukbo ang dumarating; hindi nagkaroon kailanman ng gaya nila, ni magkakaroon pa man pagkatapos nila, hanggang sa mga taon ng maraming salinlahi. Isang apoy ang tumutupok sa harapan nila; at sa likuran nila'y isang nagliliyab na apoy. Ang lupain ay parang halamanan ng Eden sa harapan nila, ngunit sa likuran nila'y isang sirang ilang; at walang nakatakas sa kanila. Ang anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo; at sila'y tumatakbong gaya ng mga kabayong pandigma. Gaya ng rumaragasang karwahe ay lumulukso sila sa tuktok ng mga bundok, gaya ng hugong ng liyab ng apoy na tumutupok sa dayami, gaya ng isang makapangyarihang hukbo na nakahanda sa labanan. Sa kanilang harapan ay nagdadalamhati ang mga tao, lahat ng mukha ay namumutla. Sila'y sumasalakay na gaya ng mga mandirigma, kanilang iniakyat ang pader na gaya ng mga kawal. Bawat isa'y patungo sa kanya-kanyang lakad, at hindi sila lumilihis ng kanilang mga daan. Hindi sila nagtutulakan sa isa't isa; bawat isa'y lumalakad sa kanya-kanyang landas; kanilang sinasagupa ang mga sandata, at hindi sila mapahinto. Kanilang nilulukso ang lunsod; kanilang tinatakbo ang mga pader; kanilang inaakyat ang mga bahay; sila'y pumapasok sa mga bintana na gaya ng magnanakaw. Ang lupa ay nayayanig sa harap nila, ang langit ay nanginginig. Ang araw at ang buwan ay nagdidilim at ang mga bituin ay nawawalan ng kanilang kaningningan. Pinatutunog ng PANGINOON ang kanyang tinig sa unahan ng kanyang hukbo; sapagkat ang kanyang hukbo ay napakalaki, siya na nagsasagawa ng kanyang salita ay makapangyarihan. Sapagkat ang araw ng PANGINOON ay dakila at kakilakilabot; sinong makakatagal?
Basahin JOEL 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: JOEL 2:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas