Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo, pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito; ang ilog ay natutuyo, walang laman kahit ano. Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay, at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay. Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba, ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa. Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo; kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong? Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol? Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo? Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako? “Pagkakamali ko'y sabihin at ako'y turuan, ako'y tatahimik upang kayo'y pakinggan. Mga salitang tapat, kay gandang pakinggan, ngunit mga sinasabi ninyo'y walang katuturan. Kung ang sinasabi ko ay walang kabuluhan, bakit ninyo sinasagot itong aking karaingan? Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan, pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan. Tingnan ninyo ako nang harapan, hindi ko kayo pagsisinungalingan, Lumalabis na ang mali ninyong paratang, tigilan n'yo na iyan pagkat ako'y nasa katuwiran. Akala ninyo ang sinasabi ko'y hindi tama, at hindi ko nakikilala ang mabuti sa masama.
Basahin Job 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 6:16-30
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas