Job 6:17-30
Job 6:16-30 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo, pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito; ang ilog ay natutuyo, walang laman kahit ano. Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay, at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay. Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba, ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa. Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo; kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong? Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol? Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo? Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako? “Pagkakamali ko'y sabihin at ako'y turuan, ako'y tatahimik upang kayo'y pakinggan. Mga salitang tapat, kay gandang pakinggan, ngunit mga sinasabi ninyo'y walang katuturan. Kung ang sinasabi ko ay walang kabuluhan, bakit ninyo sinasagot itong aking karaingan? Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan, pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan. Tingnan ninyo ako nang harapan, hindi ko kayo pagsisinungalingan, Lumalabis na ang mali ninyong paratang, tigilan n'yo na iyan pagkat ako'y nasa katuwiran. Akala ninyo ang sinasabi ko'y hindi tama, at hindi ko nakikilala ang mabuti sa masama.
Job 6:17-30 Ang Salita ng Diyos (ASD)
at sa tag-init itoʼy natutuyo; sa init ng panahon itoʼy naglalaho. Kapag dumaan doon ang mga naglalakbay, wala silang tubig na maiinom, kaya pagdating nila sa ilang namamatay sila. Ang mga mangangalakal na nagmula sa Tema at Sheba na naglalakbay ay umaasang makakainom sa sapa, ngunit nabigo sila. Umaasa silang may tubig doon ngunit wala pala. Ang sapa na iyon ang katulad ninyo. Wala rin kayong naitutulong sa akin. Natakot kayo nang makita ninyo ang nakakaawa kong kalagayan. Ngunit bakit? Humingi ba ako ng regalo sa inyo? Nakiusap ba akong tulungan nʼyo ako mula sa inyong kayamanan, o iligtas ako mula sa kamay ng aking mga kaaway, at sagipin ako sa pagkakahawak ng mga mararahas? “Turuan nʼyo ako at kayoʼy aking pakikinggan, ipakita sa akin ang aking kamalian. Hindi baleng masakit ang sasabihin ninyo bastaʼt iyon ay totoo. Ngunit ang ibinibintang ninyo sa akin ay hindi totoo at hindi ninyo mapatunayan. Gusto ninyong ituwid ang mga sinasabi ko, dahil para sa inyo, ang aking sinasabi bilang desperadong tao ay walang kabuluhan. Bakit, kayo baʼy matuwid? Nagagawa nga ninyong ipaalipin ang isang ulila, o di kayaʼy ipagbili ang isang kaibigan! “Tingnan ninyo ako. Sa tingin ba ninyoʼy magsisinungaling ako sa inyo? Tigilan na ninyo ang paghatol sa akin, dahil wala akong kasalanan. Akala ba ninyo ay nagsisinungaling ako, at hindi ko alam kung ano ang tama at mali?”
Job 6:17-30 Ang Biblia (TLAB)
Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala. Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig. Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari? O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
Job 6:16-30 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung taglamig, ang ilog ay pawang yelo, pagsapit ng tag-araw, nawawalang lahat ito; ang ilog ay natutuyo, walang laman kahit ano. Sa paghahanap ng tubig, naliligaw ang mga manlalakbay, at sa gitna ng disyerto ay doon na namamatay. Naghanap ang manlalakbay na taga-Tema at ang taga-Seba, ngunit pag-asa nila'y nawala sa tabi ng tuyong sapa. Para kayong mga batis na ang tubig ay natuyo; kaya kayo ay nabigla nang makita n'yo ang aking anyo. Sa inyo ba kahit minsan ako ay nagpatulong? Kailan ba ako humingi sa inyo ng pansuhol? Ako ba kahit minsa'y napasaklolo sa inyo? Hiniling ko bang sa kaaway ay tubusin ninyo ako? “Pagkakamali ko'y sabihin at ako'y turuan, ako'y tatahimik upang kayo'y pakinggan. Mga salitang tapat, kay gandang pakinggan, ngunit mga sinasabi ninyo'y walang katuturan. Kung ang sinasabi ko ay walang kabuluhan, bakit ninyo sinasagot itong aking karaingan? Kahit sa mga ulila kayo'y magpupustahan, pati kaibigan ninyo'y inyong pagsusugalan. Tingnan ninyo ako nang harapan, hindi ko kayo pagsisinungalingan, Lumalabis na ang mali ninyong paratang, tigilan n'yo na iyan pagkat ako'y nasa katuwiran. Akala ninyo ang sinasabi ko'y hindi tama, at hindi ko nakikilala ang mabuti sa masama.
Job 6:17-30 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Paginit ay nawawala: Pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako. Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; Nagsisilihis sa ilang at nawawala. Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, Hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba. Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; Sila'y nagsiparoon at nangatulig. Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; Kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot. Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pagaari? O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, Tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati? Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; At ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan. Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo? Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin. Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, At ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan. Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; Sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap. Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid. May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?