Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 11:7-9

Hosea 11:7-9 RTPV05

Ang bayan ko'y nagpasya nang tumalikod sa akin; kaya't sa pamatok sila'y itinakda, at walang sinumang makakapag-alis nito. “Pababayaan ba kita, Efraim? Ikaw ba'y ibibigay ko sa kaaway, Israel? Maitutulad ba kita sa Adma? Magagawa ko ba sa iyo ang aking ginawa sa Zeboim? Hindi ito kayang gawin ng puso ko; kahabagan ko'y nananaig. Hindi ko ipadarama ang bigat ng aking poot; Hindi ko na muling sisirain ang Efraim. Sapagkat ako'y Diyos at hindi tao, ang Banal na Diyos na nasa kalagitnaan ninyo, at hindi ako naparito upang kayo'y wasakin.